Wednesday, March 16, 2005
graduation na.
maraming pinagdaanan.
maraming sinamahan.
maraming tinawanan.
maraming nahulog.
maraming bumangon.
hindi lang basta-basta ang swimming.
hindi lang basta-basta ang mga practice,
ang mga sabado ng umaga,
ang mga dryland,
ang mga sprints,
ang mga aerobics,
mga warm-ups.
ang mga kick,
ang mga pull.
mga 1000 fly.
mga 1000 back.
mga 1000 free.
mga 1000 breast.
mga 5000 load.
hindi lang basta-basta ang coach.
ang kanyang husay.
kanyang lakas.
kanyang pagiging isang ama sa aming lahat.
hindi lang basta-basta.
ang mga oras na ginugol ko.
sa practice.
2-3 oras sa hapon,
hanggang gabi.
hindi lang basta-basta ang mga kasama mo.
may makulit.
may malakas.
may ma-harot.
may maliksi.
may mabilis.
may mabait.
may santo.
may ungas.
may sabog.
may mayabang.
may mukhang clown.
may mukhang hayop.
may tahimik.
may seksi.
may gwapo.
may akalain mong bading.
may tipong pagka-tibo.
hindi lang basta-basta ang la salle swimming team.
isang team na punong-puno ng buhay.
mga taong may ordinaryong buhay,
ngunit may extraordinaryong lakas at determinasyon.
salamat sa pagiging isang la salle swimmer.
di ko kayo malilimutan.
siyempre, babalik ako. ;p